| saksi ( @ 2009-01-23 07:36:00 |
Beating the red light daw ang cameraman/driver namin kanina, si Kuya Denor. Pinahinto kami ng pulis.
Pulis: Ser, beating the red light po kayo ah. Tagasaan po ba kayo?
Denor: Ah, sa Quezon City po kami, sa Probe.
Pulis: Ah, sa Probe Team po, Probe Team? Patingin na lang po ng ID.
Dinukot ni Kuya Denor ang wallet niya para ipakita ang ID niya. Samantala, napatingin ang pulis sa likod ng van. Dalawa kaming nakasakay sa likod--kasama ang supervising producer na si Ate Cel--at ako ang nahuli ng tingin niya.
Pulis: Uy! Teka ser!
Ako: Uh--
Pulis: Ser, napapanood ko po kayo sa TV! Oo nga, kayo po nga po 'yon!
Iniwan ng pulis si Kuya Denor, at umikot mula sa may driver's seat patungo sa may kinauupuan ko. Siyempre natakot ako 'no. Baka may napansin din siyang iligal na ginagawa ko--eh bakit, kumakain lang naman ako no'n ng Burger King ah? O dapat ba naka-seatbelt kahit sa likod nakaupo?
Kumatok ang pulis sa bintana. Kabado, pinagbuksan ko siya. Iniabot niya ang kamay niya sa akin.
Kinamayan niya ako.
HAAAH?
Pulis: Ser, nakikita ko kayo sa TV! Oo ser napapanood ko kayo!
At nakipagchikahan na ang pulis tungkol sa mga expose ng XXX--nalimutan na ang pagtingin sa ID ni Kuya Denor maging ang nagawang pagkakasala.
Pulis: Sige po, ser, salamat po!
HAHAHA!